1 patay, 2 kritikal sa 2 senglot na parak

PATAY ang isang lalaki matapos madamay sa pamamaril ng dalawang bagitong parak at isa pang kasama na nakainom sa Caloocan City kagabi, (Hunyo 15).

Kinilala ang namatay na si James Pagar, 17 ng Pag-asa St., Bagong Barrio ng lungsod, na idineklarang dead on arrival Manila Central University sanhi ng tumagos na bala sa tiyan.

Nadamay din si Criss Ryan Garcia, 13, kalugar ng nasawi, na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon at ginagamot sa nasabi ring ospital sanhi ng tama ng bala sa mukha.

Ang sinasabing pinagmulan ng pamamaril ng mga pulis na si Mark Lintang ay nakaratay sa Jose Reyes Memorial Hospital, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte katawan.

Pinaghahanap naman ng mga kabaro sina PO1 Jelson Chua, PO1 Jeffrey Antonio, mga nakatalaga sa Northern Police District at isang nakilala lang sa alyas na Lucky Boy.

Base sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, hinahabol ng putok ng mga suspek si Lintag sa Progreso St., Bagong Barrio ng lungsod hanggang sa maabutan sa isang tindahan.

Sunod-sunod na putok pa rin ang pinakawalan ng mga suspek kung saan nadamay si Pagar na nagpapa-load at si Garcia na bumibili ng burger sa tindahan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang mga biktima sa mga nasabing ospital.

Nabatid na bago ang insidente ay nakitang nag-iinuman ang mga suspek sa nabanggit na lugar.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply