1 patay sa kinaing isda sa Cebu

PATAY ang isa habang apat pa ang nalason matapos kumain ng isdang “panabugan” sa Barangay Cansaloay sa bayan ng Oslob sa Cebu.

Kinilala ang namatay na si Epitacio Ferolino, 37.

Ginagamot naman ang asawa ni Ferolino na si Angelita sa pagamutan na kumain din ng nasabing isda.

Batay sa ulat, nabili ng isang Max Pilosopo ang nasabing isda sa palengke ng Oslob para ulamin sa tanghalian kasama ang ibang nalason na sina Consuelo Ferolino at Juanita Estenor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply