PCG nagtaas ng inisyal na alerto sa bagong bagyong Carina

HINDI pa man nakakapasok sa West Philippine Sea  ang panibagong namataang namumuong sama ng panahon ay nagtaas na rin inisyal na alerto ang Philippine Coast Guard sa mga posibleng maapektuhan  nito.

Nabatid na ang bagong bagyo ay papangalang Carina kapag pumasok na ito sa WPS.

Gayunman, ang mga barkong lagpas sa 1,000 gross tons ay maari pa namang makapaglayag ngunit kinakailangan itong dumaan sa masusing inspeksyon.

Muli namang pinaalalahanan ng PCG ang maliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot upang maiwasan ang anumang trahedya sa karagatan dahil hindi pa tuluyang nakakalayo ang bagyong Butchoy.

Samantala, sinabi ng PGC na pasahero ng MV Josille 2  ang isa sa dalawang natagpuang bangkat sa Culion, Palawan.

Ito ang kinumpirma ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG)  matapos  na makuha ang drivers ID license ng biktimang si Julito Buenafe kung saan kabilang siya sa asaherong nalalagay sa manifesto.

Ang isa namang bangkay ng babae ay naagnas na at posibleng isailalim pa sa forensic analysis.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng PCG na susunod  ang tuluyang pag-convene ng Special Board of Marine Inquiry (SBMI) sakaling matagpuan lahat ang mga nawawala pang mga pasahero upang matukoy kung ano ang naging sanhi ng paglubog ng barko na pag-aari ng Atienza Shipping Lines.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply