10 katao nailigtas sa tumaob na bangka sa Western Samar

SAMPU katao kabilang ang walong guro ang nailigtas sa tumaob na pump boat sa Western Samar.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exec. Dir. Benito Ramos, sa karagatang bahagi ng Daram, Western Samar tumaob ang naturang bangka kung saan agad rin namang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard.

Kinabibilangan ng walong guro at dalawang crew ang sakay ng pump boat.

Nabatid na pauwi na sana ng isla ng Daram sa Western Samar ang mga guro nang mangyari ang insidente dahil sa sama ng panahong dulot ng bagyong Butchoy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply