100 mangingisda nawawala

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy pa rin ang paghahanap sa may 100 mangingisda matapos ang biglaang paglaki ng alon sa Sarangani Bay bunsod ng masamang panahon simula pa kahapon hanggang kagabi.

Sa panayam kay Maasim Mayor Arturo Lawa, base naman sa report mula sa pamilya ng mga mangingisda, nasa 118 umano ang bilang ng mga ito nang pumalaot kamakalawa ngunit hindi pa sila nakakauwi.

Nagmula sa walong barangay ng Maasim ang  nasabing mga mangingisda kung saan sa Tinoto ay may pito umanong nawawala, sa Kolon ay 11, pito rin sa Kanalo, 29 sa Kamanga, nasa 24 naman sa Poblacion, 19 sa Kablacan, gayundin sa Kabatiol na may 19, habang sa Pananag ay mayroong dalawang missing.

Patuloy pa rin ang search and rescue operation upang mahanap ang ibang nawawala na pinananiniwalaang napadpad sa Glan, Sarangani province.

Samantala, nakatakda namang ideklara ang state of calamity sa Glan, Sarangani na apektado rin ng pagbaha.

Sa pinakahuling ulat ay mayroon na umanong 27 sa mga mangingisda ang nasagip.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply