106 biktima ng human trafficking, nailigtas

NAILIGTAS ng pamahalaan sa panganib ng human trafficking ang 106 katao sa tatlong magkakahiwalay na ginawang operasyon ng mga operatiba ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Ayon kay Vice President Jejomar Binay, 85 katao na biktima ng sindikato sa human trafficking ang naisalba noong Hunyo 4 habang sakay ang mga ito ng isang barko na magdadala sa kanila sa Taganak, Malaysia.

Sinabi pa ng chairman emeritus ng IACAT ito ang pagkakaligtas sa 85 katap ang pinakamalaking operasyon na isinagawa ng konseho isang taon matapos na itatag ito ng pamahalaan bilang pangunahing ahensiya na susupil sa operasyon ng human trafficking at illegal recruitment sa bansa.

Batay sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Zamboanga Sea-Based Anti-Trafficking Task Force (ZSATTF), naglalayag na ang barkong ML Kadrina sa hangganan ng Zamboanga at Pilas Islands, sakay ang mahigit sa 100 pasahero subalit 65 lamang ang nakatala sa passenger manifest.

Bukod sa pagkakaligtas sa 85 biktima ng human trafficking, 10 pasahero na patungo sana ng Estados Unidos ang naharang din ng IACAT sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Hunyo 12.

Nahuli rin ng mga ang nangalap sa 10 pasahero na pinangakuan ng trabaho sa Amerika, kapalit ng P100,000 bawat isa.

Samantalang isang menor de edad naman ang naisalba ng pamahalaan sa prostitusyon matapos na mailigtas ito sa isang bar sa Maynila noong Hunyo 19.

Batay sa imbestigasyon, pinangakuan ang batang babae na tubong Davao City ng trabaho sa Maynila.

Gayunpaman, pagdating sa Maynila, ipapasok pala ang menor de edad, kasama pa ang isang kababaihan bilang stripper at guest relations officer (GRO).

Habang isang Malaysian national naman ang naaresto sa Diosdado Macapagal International Airport noong Hunyo 7 habang hinihintay ang umano’y Pilinang papakasalan nito na pinaniniwalaang biktima ng trafficking.

Kinasuhan ang dayuhan ng paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking Act of 2003 matapos na makumbinsi ng mga operatiba ang Pilipina na maghain ng kaso laban sa Malaysian national.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply