11 domestic flights kanselado dahil kay ‘Ambo’

KANSELADO ngayon ang 11 domestic flights dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong “Ambo.”

Sa abiso ng Cebu Pacific, kinansela ang walong domestic flights na may biyaheng Manila-Naga-Manila flights 5J519, 5J520, 5J325 at 5J326 Manila-Legaspi-Manila flights. Kinansela rin ang flights 5J895 at 5J898 na may biyaheng Manila-Caticlan-Manila at Busuanga flights 5J529 at 5J530.

Ang PR 277 at PR278 ng Philippine Airlines na may biyaheng Manila-Legaspi-Manila ay kinansela na rin.

Maging ang Air Philippines ay kinansela ang kanilang biyahe na flight 2P040 na galing sa Caticlan patungo ng Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply