11 NPA todas sa engkwentro sa Quezon

NASUPIL ng mga elemento ng Philippine Army 2 Division ang planong paglulunsad ng opensiba ng mga komunistang New People,s Army na layuning salakayin ang ilang maliliit na military detachment sa katimugang bahagi ng Luzon na ikinasawi ng 11 NPA rebel Sabado ng umaga sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Col Bartolome Bacarro, Assistant Chief for Operations, 2nd infantry division, bandang alas 11:30 ng tanghali ay nasabat ng mga elemento ng Bravo Company,74th Infantry Battalion sa pamumuno ni Cpl Balasta ang may 15 NPA habang nasa combat patrol operation ang tropa ng militar.

Sa report na isinumite ni Col. Eduardo Ano, Commander ng Army  201st Infantry Brigade, naganap ang sagupaan sa Sitio  Makuyokuyo, Barangay White Cliff,  San narciso.

Ayon sa naging body count matapos ang isinagawang clearing operation, 11 bangkay ng mga rebelde ang naipon ng mga sundalo habang pinaniniwalaang may tama rin ang mga nakatakas na rebelde.

Wala namang nasugatan sa panig ng mga sundalo na nakasamsam pa ng limang M16,isang (1) M203,isang (1) M79 grenade luncher at isasng (1) Shotgun.

Sa report ni  Lt. Co. Dennis Perez 74IB commander IB kay Col Ano,ipinarating lamang sa kanilang kaalaman ng ilang civilian residence ang presensiya ng mga armadong kalalakihan sa area na umanoy mga kasapi ng Southern Tagalog Regional party committe.

Kabilang umano sa napaslang ang isang Armando Albarillo, aka Jun Secretary ng  guerilya unit 2 ng Southern Tagalog Regional Party Committee.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply