11 PNP officials sa chopper scam sibak

IBINABA na ng liderato ng  Philippine National Police ang order para sa agarang pagsibak sa serbisyo ng 11 police officers, kabilang ang dalawang police generals, na nasangkot sa maanomalyang pagbili ng segunda manong helicopter na pinalabas nilang brand new na nagkakahalaga ng P105 milyon.

Base sa kautusan , epektibo noong Hunyo 15 ang pagkakasibak sa serbisyo at hindi na rin makatatanggap ng benepisyo at habambuhay na hindi makapag-eempleyo sa pamahalaan  sina Chief Supt. Luis Saligumba, Chief Supt. Herold Ubalde, P/ Sr. Supt. Job Nolan Antonio,  Sr. Supt. Mansue Lukban,  Sr. Supt. Edgar Paatan, Supt. Roman Loreto, Supt. Ermilando Villafuerte, Chief Insp. Ma. Josefina Recometa, SPO4 Ma. Linda Padojinog, SPO1 Avensuel Dy at non-uniformed personnel na si Ruben Gongona.

Habang pinatawan lang ng anim na buwan na suspensyon mula Hunyo 15 hanggang Disyembre 15 sina Sr. Supt. Joel Crisostomo Garcia, SPO3 Jorge Gabiana, PO3 DIonisio Jimenez, NUP Emilia Aliling, NUP Edwin Chavarria at NUP Edwin Maranan.

Tatlong retiradong opisyal naman ng PNP ang mapapatawan ng katumbas ng isang taon na salary deduction mula sa kanilang accumulative leave credits at wala na ring matatanggap na benepisyo na sina Dir. Leocadio Santiago Jr., Dir. George Piano at Supt. Claudio Gaspar Jr.

Ang kautusan ng PNP ay batay sa ruling na inilabas ng Office of the Ombudsman noong Mayo 30 makaraang mapatunayang kasabwat sa anomalya na kinasasangkutan ni dating First Gentleman Mike Arroyo na nahaharap din sa kasong graft sa Ombudsman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply