12 barangay ng Sarangani nasa state of calamity

INILAGAY sa state of calamity ang may 12 barangay sa Maasim, Sarangani makaraang masalanta nang malalaking alon ang daan-daang mga mangingisda.

Nabatid na may 324 na mangingisda ang nailigtas habang mayroon pang 28 na nawawala dahil sa malalakas na alon.

Base sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), isang buhawi ang naranasan sa gitna ng karagatan na nakadisgrasya sa daang-daang mangingisda habang nakaapekto ang malalaking alon sa coastal ng barangay sa Glan, Sarangani na nagresulta naman sa malawakang flashflood.

Mahigit sa 5,837 na nabiktima ng pagbaha sa Glan ang mabibiyayaan ng tulong mula kay Rep. Manny Pacquiao.

Tinatayang 1,335 pamilya na ang bilang ng mga apektado ng pagbaha sa naturang bayan bukod pa rito ang mahigit 300 mangingisda na naapektuhan ng paglaki ng alon sa bayan ng Maasim.

Agad na tutungo si Pacman sa Glan bukas na biglang umuwi sa halip na magbabakasyon muna sa bansang Israel upang tulungan ang kanyang mga kababayan.

Dumating kaninang umaga ang pambansang kamao sa NAIA Terminal 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply