14 pelikula kalahok sa MMFF

LABING-APAT ang nagsumite ng kanilang mga entry sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa darating na Metro Manila Film Festival sa Disyembre makaraan ang palugit sa pagpapasa nito nitong nakaraang Hunyo 7.

Kabilang sa mga production outfits na nagsumite ng kanilang mga “script” at “filmography” ang Center Stage Production, Scenema Concept International, Unitel Productions, ABS-CBN Productions, Cinemedia Films Production, Octoarts Films, M-ZET Productions, Imus Productions, APT Entertainment, GMA Netrwork Films, Quantum Films, Deus Lux Mea Films, at Regal Entertainment.

Inaasahan namang magbibida sa mga pelikula ang malalaking pangalan ng artista na sina Nora Aunor, Zsa Zsa Padilla, Richard Gomez, Vice Ganda, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Cristine Reyes, Bong Revilla, Vic Sotto, Jeorge “E.R.” Estregan, Dingdong Dantes, Coco Martin, Eugene Domingo at iba pa.

“We are very happy that most of the country’s production companies wanted to join this year,” ani MMDA Chairman Francis Tolentino na siya ring overall Chairman ng MMFF Executive Committee.

Ang MMFF ay isang taunang film festival kada Pasko bilang rekognisyon sa lokal na prodyusers ng mga pelikulang Pilipino.  Noong nakaraang taon, kumita ang MMFF ng “record breaking” P630 milyon.

Sinusuri na ngayon ng MMFF Screening Committee ang mga isinumiteng scripts kung saan inaasahan na mapipili ang pinal na walong entries sa Hunyo 18.

Ngayong taon, inilunsad rin ng MMFF ang “New Wave Category” para sa mga estudyante sa high school at kolehiyo na lilikha ng “short films” gamit ang cellphone video.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply