14 PNP personnel na sabit sa chopper deal sibak

PAGKASIBAK sa pwesto ang naghihintay sa 14 na Philippine National Police personnel na sangkot sa maanomalyang 2009 chopper deal, base na rin sa inilabas na desisyon ng Office of the Ombudsman

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, sa oras na matanggap nila ang desisyon ng Ombudsman ay kanyang agad na ipapataw ang parusa sa 16 miyembro ng Philippine National Police (PNP), na kinabibilangan ni dating PNP Chief Jesus Verzosa.

Napag-alaman na sa oras na matanggap ng DILG ang desisyon ng Ombudsman, limang araw lamang ay kanila nang maipatutupad ang anomang parusa na ipinataw ng Ombudsman.

Matatandaan na kabilang sa mga kinasuhan sa Ombudsman sina Director General Luizo Cristobal Ticman; police directors Ronald Dulay Roderos, Romeo Hilomen at Leocadio Santiago Jr.; dating police deputy director general Jefferson Soriano; Chief Supt. Herold Ubalde; Supt. Ermilando Villafuerte; Supt. Roman Loreto; director George Piano; Sr. Supt. Luis Saligumba; Supt. Job Antonio; Supt. Edgar Paatin; Sr. Supt. Mansue Nery Lukban; Supt. Claudio Gaspar Jr. at Sr. Supt. Larry Balcameda.

Bukod dito, kinasuhan naman sa Sandiganbayan sina First Gentleman Mike Arroyo at Verzosa ng anti-graft hinggil na rin sa chopper deal habang nahaharap sa patong-patong ding kaso si Hilario De Vera na siyang presidente ng Manila Aerospace Trading Corporation na pinagbentahan umano ni Arroyo ng kanyang second hand na chopper na nagkakahalaga ng mahigit sa P100 milyon.

“Halos kalahati ng mga opisyal na sangkot sa chopper deal ay nakapagretiro na pero ang mga hindi pa ay tiyak na sibak sila sa pwesto,” saad ni Robredo.

Ayon kay Robredo, sa kasalukuyan ay isa lamang ang gumagana sa tatlong chopper ng PNP at kakailanganin pang humingi ng permiso kung gagamitin ito dahil na rin sa nakabinbin na kaso.

Dahil dito, kakailanganin na makagawa ng remedyo ang gobyerno para hindi masayang ang higit na 100 milyon piso na binayad para sa dalawang R-44 Raven helicopter at isang Robinson Raven-2 helicopter.

Bukod sa mga chopper, may 75 pang rubber boats na binili ng PNP ang hindi rin magamit dahil sa nakabinbing kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply