2 Chinese timbog sa buy-bust operation sa Makati

NAARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drugs Special Operation ang dalawang Chinese na hinihinalang miyembro ng bigtime drug syndicate sa ikinasang buy-bust operation sa southbound lane ng Edsa sa Makati City, kaninang umaga.

Dakong 11:00 ng umaga nang magkaroon ng habulan laban sa pagitan ng PNP-ADSO at mga suspek sa Mandaluyong. Nakorner ang mga ito sa bahagi ng San Carlos Seminary, Makati City.

Nakumpiska sa mga suspek ang may 1.5 kilo ng shabu, na nagkakahalaga ng P5 milyon, na natagpuan sa loob ng ginamit na kulay abuhing sasakyan.

Nakuha rin mula sa dalawang suspek ang tigalawang pekeng lisensya na ginagamit nila sa pakikipagtransaksyon ng droga.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek habang iniimbestigahan na ang insidente. Inaalam din kung saan nanggaling ang drogang ibinebenta ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply