Musikang Pinoy sa Macau

‘THE FISHERS’- ang bandang Pinoy na humuli ng panlasa sa musika ng mga taga-Macau.

Hale, Kamikazee, Parokya ni Edgar at Eraserheads – ilan lamang ang mga iyan sa mga bandang pumukaw ng ating atensyon at minsa’y ating hinangaan. Sa musikang kanilang hatid ay naaliw tayo at nadala ng mga awiting kanilang pinasikat.

Sa bansang Macau ay may isang banda na kinikilala at patuloy na tinatangkilik ang musikang inihahatid – ito ay ang bandang kung tawagin ay ‘The Fishers’ na hinahangaan ng mga taga-Macau.

Sa aking panayam sa mga miyembro ng bandang ito, aking namalas ang iba’t ibang istorya ng buhay na nagtatago sa likod ng bawat miyembro nito. Nakilala ko si Aileen ang bokalista ng grupo at sa aking panayam sa kanya ay aking napag-alaman na nagmula siya sa isang mahirap na pamilya sa Pilipinas. Napilitan siyang tumigil ng pag-aaral upang makipagsapalaran sa ibang bayan.

Sa tulong ng kanyang tiyuhin na isang pianista ay sinikap niyang makarating sa Hong Kong. Subalit hindi siya pinalad na makakuha ng visa at makarating doon.

Dahil doon ay naisipan niyang lumipat ng bansa at magpunta sa bansang Macau. Sa edad na 21 ay nakipagsapalaran siya doon bilang isang singer.

Bagaman hindi talaga niya hilig ang pagkanta sa kabila ng pagkakaroon ng magandang tinig, ay patuloy siyang nakipagsapalaran bilang isang singer.

Labis na lungkot at matinding pagka-homesick ang naging kalaban ni Aileen sa nasabing bansa, bukod pa sa kaunting diskriminasyon na kanya ring naranasan. Sa kabila nito, patuloy siyang nakibaka sa buhay.

Naging malaking tulong sa kanya ang positibong pananaw niya na ang lahat ng kanyang pinagdaraanan ay isa lamang pagsubok na kailangang niyang malampasan. Hanggang sa makilala niya ang kanyang mga naging kabanda at nabuo ang bandang ‘The Fishers.’

Sa kasalukuyan ay hindi nawawalan ng trabaho ang nasabing banda. Patuloy silang nakikipagsapalaran at gumagawa ng sarili nilang pangalan sa bansang Macau kung saan unti-unti at patuloy silang nakikilala at tinatangkilik.

Sa patuloy na tagumpay na tinatamasa ng bandang ito patuloy ring naipakikilala sa isang dayuhang bansa ang musikang Pinoy kabilang na ang mga musikerong Pinoy.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biya-heng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Face-book fan page: BIYAHENG LA-NGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply