700 pasahero stranded dahil sa bagyo

HALOS 700 pasahero na ang stranded sa Bicol Region dahil kay Tropical Storm Ambo.

Ayon sa Philippine Coast Guard District Operation Center, umabot na ngayon sa 661 pasahero at 23 mga sasakyan ang stranded mula sa 521 na bilang kahapon (Hunyo 1) sa Tabacco at San Andres port sa Catanduanes.

Naka-standby na rin ang mga kawani ng Coast Guard, Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang sangay ng gobyerno upang magbigay ng mas maagang impormasyon sa mga apektado ng bagyo.

Patuloy din ang monitoring ng lokal na pamahalaan sa lahat ng flood at landslide prone areas sa mga apektadong lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply