Totoy nakuryente sa sanga ng malunggay

LA UNION – Patay ang 17 taong gulang na lalaki matapos itong makuryente habang nagpuputol ng sanga ng malunggay sa Barangay Parian, San Fernando La Union, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Reynald Opena, ng Barangay San Pablo, Balaoan, La Union.

Sa inisyal na report ng La Union Philippine National Police (PNP), napag-alaman na habang umuulan, umakyat ang biktima sa malaking puno ng malunggay upang bawasan ang sanga nito.

Sa kamalasan, nasungkit nito ang high tension live wire dahilan upang makuryente ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply