Pauleen mag-aaral magluto para kay Bossing

MEDYO may kalakihan daw ang bahay na pinagagawa ni Pauleen Luna at ng kanyang pamilya dahil ilang buwan na itong ginagawa hindi pa rin matapos-tapos, hindi naman daw napuputol ang konstruksyon nito. Pero nilinaw ng dalaga na wala ni isang kusing na naiambag dito si Vic Sotto. Kaya tigilan na raw ang intrigang donasyon ito ni Bossing.

Anyway, hanggang ngayon wala pa ring inaamin si Pauleen sa tunay na relasyon nila ng isa sa main host ng Eat Bulaga, at wala rin naman siyang dine-deny.

Magsisimula nang mag-aral ng Culinary Arts sa Cuisinier Bistro and Culinary Studio si Ms. Luna. Para ba sa boss niya ang matututunan niya rito? Iba nga naman ang dating kapag ang isang babae ay marunong magluto. Hindi ba, Toni Gonzaga? Hehehe!

Si Toni ay nag-aaral ding magluto para hindi na siya mapahiya ulit kapag pinatikim niya ng kanyang special na sinigang si Direk Paul Soriano.

***

Movie press inimbita ng lady politician luhaang umuwi

MAHIGIT isang buwan pa bago tumulak sa isang probinsya sa bandang norte ang grupo ng movie press pero pinag-uusapan na nila ito. Karamihan sa kanila ay excited sa biyahe. At lahat sila’y may kanya-kanya nang plano.

Aba’y imbitahan ka ba naman ng isang lady politician na reyna ng probinsya. Bongga di ba?

True nga ang kanilang nasa isip, bonggacious ang pagtratong ibinigay sa kanila ni madam politician. Halos maebs sila sa maya’t mayang lafang.

Magkandaduling-duling din sila sa magagandang tanawing ipinamalas sa kanila ng kanilang host. Solve ika nga ang kanilang bakasyon grande.

Nang mag-uwian na, ‘yun na! Problema ang pamasahe. Wala man lang daw kasing pakimkim si ma’am. Kaya yung pinamasahe ng grupo pabalik at pauwi ng Maynila, kulang pa ang nilamon nila. Hahaha!

Naku, baka ma-impeach ni brother si lady politician sa ginawa niya sa mga bading. Hehehe!

***

Kris maaga nang makikipagkwentuhan

MAS gaganda na ang bawat umaga dahil puno ng saya ang Kapamilya morning show na “Kris TV” at  mapapanood na sa mas maagang oras simula ngayong Lunes (Hunyo 4), 8am, pagkatapos ng “Umagang Kay Ganda.”

Mae-enjoy na ng buong pamilya ng mas pinaaga, mas masaya at mas makabuluhang kwentuhan ni Queen of All Media Kris Aquino kasama ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa showbiz. Patuloy rin ang “Kris Reali-TV” sa paglibot sa iba’t ibang sulok ng bansa upang tuklasin ang mga tagong yaman ng Pilipinas. Simulan ang araw na puno ng good vibes, huwag palampasin ang mas pinaagang “Kris TV,” simula na ngayong Lunes, 8am, pagkatapos ng “Umagang Kay Ganda,” sa ‘UmaGanda’ block ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply