Sin tax bill pasado sa Kamara

PINAGTIBAY na sa Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong taasan ang buwis ng sigarilyo at alak.

Sa botong 210 na pabor ay ipinasa ang sin tax bill kung saan 21 lamang ang tutol at 5 ang nag-abstain.

Nakapaloob sa pinagtibay na sin tax bill, dalawang tier na ang buwis sa sigarilyo kung saan ang sigarilyong may presyong hanggang P11.50 bawatg pakete ay itataas ang buwis ng hanggang  P12 mula sa kasalukuyang P2.75.

Ang sigarilyo naman na mahigit sa P11.50 bawat pakete ang presyo ay papatawan na ng buwis na P28.

Tatlong tiers naman ang buwis sa mga alak.

Para sa distilled spirits, iyong may presyong hindi aabot ng P90 ay magiging P20 pesos na ang buwis sa bawat litro, P80 kada litro naman ang buwis sa may presyong P90 pero hindi aabot ng P150 samantalang P320 naman bawat litro ang magiging buwis sa may presyong P150 sa ngayon.

Sa sparkling wine o champagne, kung ang net retail price ng 750 ml ay P500, magiging P250 na ang buwis nito at P700  naman ang buwis ng mahigit sa P500 ang presyo.

Magiging P18.80 ang buwis kung ang presyo ng fermented liquor ay lagpas ng P50.60.

Ang mga fermented liquor na ibinibenta sa maliliit na establisimyento gaya ng pubs at restaurants ay papatawan na ng buwis na P28 bawat litro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply