Rekonsilasyon ng Hataman at Akbar

TUMUGON sa isa sa mga ipinangako noong kasagsagan ng kampanya para sa RA 10153 synchro law si OIC Regional Governor Mujiv Hataman ng lagdaan nitong linggo ang peace covenant sa pamilyang Akbar na pinangunahan ni Basilan Gob. Jum Akbar.

Ang seremonya na ginanap sa Basilan State College ay dinaluhan ni DILG Secretary Jesse Robredo at OPPAP Secretary Ging Deles. Kasama din sa nasabing seremonya ang ilang mga opisyales ng ARMM, kabilang ang mga bagong itinalagang miyembro ng ARMM Regional Legislative Assembly.

Mahirap ang naging pinagdaanan ng magkabilang panig matapos ang kanilang paghihiwalay at umigting pang lalo nang mapatay noong 2007 si dating Cong. Wahab Akbar sa isang pagsabog sa Batasang Pambansa na naging resulta ng pagsasampa ng kaso laban sa magkapatid na RG Mujiv Hataman at Cong. Jim Hataman.

Tensyon lagi ang nangingibabaw sa magkabilang panig gayundin ang nararamdaman ng mga taga-Basilan lalo na sa panahon ng eleksyon.

Ika nga ni RG Hataman, “ang lahat ay dapat isailalim sa reporma kasama na ang mga usapin sa “rido” upang tuluyang mabago ang takbo ng pulitika dito sa ARMM!” Mahigit ilang taon ding nag-iisip ng paraan ang pamilya ng Hataman na maayos ang hidwaan sanhi ng pagiging dahilan nito ang kabagalan ng pag-unlad ng nasabing probinsya ng Basilan.

Kung matatandaan, mismong si PNoy ay minsan ng naging host ng magkalabang pamilya sa Malacañang upang ipaglapit ang Akbar at Hataman sa layunin nitong mapabilis ang buhos ng tulong sa Basilan.

Isang taga-media, na masugid na tagasubaybay ng mga kaganapan sa ARMM, ang napailing ng masaksihan ang pagpirma ni RG Hataman kasama ng kanyang buong angkan. “Akala ko noong una ay press release lang ang pangako n’yang pakikipagkasundo sa kalaban nila pero totoo pala ‘yun,” ayon sa kanya na ayaw magpabanggit dahil sa nahihiya siya diumano.

Maganda ang mungkahi ng mga taga-COMELEC na gumamit ng mga personnel sa ibang lalawigan, partikular sa Kamaynilaan para sa nakatakdang pagpapalista ng mga botante sa darating na Hulyo 9-19 sa limang probinsya at isang lungsod dito sa  Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Anila, ang nasabing panukala ay para maiwasan ang sabwatan ng ilang mga pulitiko at COMELEC election registrar sa bawat munisipyo at siyudad sa ARMM na i-relax ang ilang mga alituntunin sa pagpaparehistro. Kaugnay nito, nagbuo ng isang task force si RG Hataman para masiguro ang isang maayos at mapayapang pagpapalista sa darating na Hulyo, 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply