UPDATE: Water treatment facility dumating na sa Catanduanes

DUMATING na ang water treatment facility sa Catanduanes upang magkaroon ng malinis na pagkukunan ng tubig ang mga mamamayan doon.

Ito ay kasunod ng diarrhea outbreak doon kung saan tatlo ang huling naiulat na namatay sa Virac habang 18 ang ginagamot sa Eastern Bicol Medical Center.

Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD) Bicol Region, inaasahnag ngayong araw darating ang mga tauhan ng Department of Health (DOH) para imbestigahan ang outbreak at para umayuda sa mga apektadong residente ng nasabing sakit na bunsod ng maruming tubig.

Nabatid sa OCD, na anim na ang naitalang namatay sa Catanduanes dahil sa diarrhea mula Enero hanggang Hunyo. Pinakahuli ang tatlong namatay sa bayan ng Virac.

Nasa 605 ang naitalang biktima ng sakit mula Enero sa mga bayan ng San Andres at Viga, habang inaalam pa ang kabuuang bilang sa Virac.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply