2 dalagita ninakawan na hinalay pa sa Quezon

DOBLE malas ang naranasan ng dalawang dalagita na matapos holdapin ay pinagsamantalahan pa ng tatlong holdupper sa Bayan ng Gumaca, Quezon Province, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Batay sa insiyal na ulat, papauwi na sana ang mga dalagita kasama ang isang binatilyo sa may Barangay Hagakhakin mula sa dinaluhang party nang may lumabas mula sa madilim na bahagi ng seawall na tatlong armadong kalalakihan at agad silang tinutukan ng baril.

Sinubukang pang pumalag ng kasamang binatilyo ng mga biktima subalit ginulpi lamang ito saka tinalian na parang baboy.

Kinalakad naman ang mga dalagita na may edad na 16 at 19 anyos patungo sa riles ng tren at doon sa isang kubling luagr ay sabay na ginahasa umano ng mga sauspek.

Bago tumakas, tinangay pa ng mga suspek ang mga cellphone at pera ng mga biktima bago tuluyang umalis.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ng followinvestigation ang mga awtoridad para sa kakiklanlan ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply