153 patay sa bumagsak na eroplano sa Nigeria

PATAY ang 153 sakay ng isang pampasaherong eroplano na bumagsak sa isang gusali sa Lagos, Nigeria.

Batay sa Civil Aviation Authority ng Nigeria, ang Dana Airlines flight ay nanggaling sa Abuja at patungong Lagos. Papalapag na sana ito ngunit bumagsak sa isang two-story building sa isang residential area, malapit sa paliparan.

Nasunog din ang gusaling pinagbagsakan ng eroplano.

Nagdeklara naman ng tatlong araw na pagluluksa si Nigerian President Goodluck Jonathan at ipinag-utos ang malalimang imbestigasyon sa pangyayari.

Inaalam na ngayon kung may iba pang namatay sa pinagbagsakan ng eroplano.

Source: Voice of America

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply