17th Migrant Workers’ Day

GINUGUNITA ngayong araw ang 17th Migrant Workers’ Day sa bansa kung saan daang-daang overseas Filipino worker (OFW) ang dumalo sa pagdiriwang sa Philippine Trade and Training Center sa Pasay City.

Nanguna sa pagdiriwang ang Department of Labor and Employment kaagapay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sa pagdiriwang, ilang kasunduan ang nilagdaan ng mga ahensya at pribadong kompanya para sa kapakanan ng mga manggagawang Pinoy sa ibayong-dagat.

Nilagdaan ng OWWA, POEA at SM Supermalls ang isang Memorandum of Agreement (MOA) ukol sa paglalagay ng processing centers para sa mas mabilis at pinadaling pagkuha ng overseas employment certificates (OECs), OWWA, Pag-IBIG at PhilHealth membership, na ilalagay sa mga piling mall.

Sa kabilang dako, pinagtibay ng Department of the Interior and Local Government at DOLE sa pakikipagtulungan sa private recruitment at manning agencies, ang isang Code of Conduct upang labanan ang illegal recruitment.

Tampok din sa selebrasyon ang kagitingan ng mga Pinoy worker.

Nagkasa rin ng pagdiriwang sa iba’t ibang parte ng bansa tulad sa Western Mindanao State University (WMSU) Gymnasium at sa SM City Cebu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply