2 African national timbog sa pamemeke ng pera

NABUKO ang iligal na operasyon sa pamemeke ng pera ng dalawang African national  matapos mahuli sa isinagawang entrapment operation sa General Santos City.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Usman Dialo, 30 taong gulang at Tony Anderson, 36 taong gulang.

Ayon sa report, pinamunuan ng Intelligence Division and Management Bureau (IDMB) ang isang entrapment operation sa Camias Street Barangay East General Santos City.

Isang tauhan ng Philippine National Police (PNP)-Gensan ang gumawa ng transaksyon para mahuli ang dalawang African national.

Ayon kay Police Senior Inspector Lorenzo Henares pinuno ng IDMB, unang nakarating sa kanila ang mga report na ‘di umano’y nagbebenta ng mga kemikal ang dalawang African national sa paggawa ng pera at naniningil ng malaking halaga ng salapi.

Sa ginawang entrapment operation narekober sa tinutuluyan ng mga suspek ang apat na bote na may laman na liquid solution, maitim na papel, tatlong tag -1,000 pesos na pera, mga tape, cotton, cellphone at aluminum foil.

Nakatakdang kasuhan ng kaukulang kaso ang dalawang suspek habang nakakulong ngayon sa San Isidro Police Station.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply