2 archer ng Pinas pasok sa Olympics

NAGKWALIPIKA ang dalawang miyembro ng national archery team para sa 2012 Olympic Games na idaraos sa London, England mula Hulyo 27 hanggang Agosto 12.

Nagpamalas sina Beijing Olympics veteran Mark Javier at Southeast Asian Games medalist Rachelle Anne Cabral ng galing sa prestihiyosong 2012 World Cup of Archery na idinaraos sa Ogden, Utah.

Nagtapos sa 5th place si Javier sa men’s individual recurve event habang sa 6th place si Cabral sa women’s individual recurve category sa torneong nilahukan ng mahuhusay na archers sa higit 70 bansa.

Naunang pinayuko ni Javier si Jan Rijavec ng Slovenia, 7-3, bago dinaig si Bjarne Marius Laursen ng Denmark, 6-2.

Pero minalas ang Pinoy archer na pumasok sa semifinals nang dumanas ng 5-6 magkasunod na kabiguan kontra kay Elias Malave ng Venezuela sa quarterfinals upang malagay sa 5th place.

Namayani sa ibang laban si Cabral kontra kay Lya Solano ng Dominican Republic, 6-4, pero nagapi ni Leidys Brito ng Venezuela, 2-6, sa ikalawang pagtatangka nito.

Tinalo ni Cabral ang kababayang si Edwina Delos Reyes, 7-1, sa battle for 9th place at makadale ng puwesto sa London Olympics.

Makakasama nina Javier at Cabral sa London Games sina long jump queen Marestella Torres at steeplechaser Rene Herrera ng athletics, Mark Anthony Barriga ng Boxing, Brian Rosario ng shooting, Hidilyn Diaz ng weightlifting, Tomohiko Hoshina ng judo, BMX cyclist Daniel Caluag, at sina Jasmine Alkhaldi at Jessie Khing Lacuna ng swimming.

Sina Hoshina, Caluag at Diaz ay daraan pa sa matinding pagsasanay at ilang international tournaments upang mahasa ang kanilang talento bago sumabak sa Olympic Games.

“Hoshina will continue his training in Japan, while Caluag will also compete in The Netherlands before the Olympic start and Hidilyn will still have to complete her preparations here in Manila,” ani Chef de Mission Manny Lopez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply