2 bagets nalunod sa water impounding project

TODAS ang dalawang lalaking paslit nang malunod sa water impounding project sa Brgy. 20, San Pablo, San Nicolas, Ilocos Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Patrick Pudiquet, 11; at Mark Anthony Viernes, 12, kapwa ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, maagang pinauwi ng mga guro ang mga biktima dahil may programang pupuntahan.

Ngunit sa halip na umuwi ay nagtungo ang dalawa sa water impounding project sa kanilang  barangay at nakatuwaang maligo hanggang sa malunod.

Narekober ang bangkay ng mga biktima bandang alas-11:00 kaninang umaga.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply