2 bagong tow trucks sa Marikina CTMDO

UPANG mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko, bumili ang lokal na pamahalaan ng Marikina ng dalawang tow trucks upang maging katuwang ng City Transportation Management and Development Office (CTMDO) sa pagtugon sa pang araw-araw na tungkulin nito sa lungsod.

Pormal na ipinrisinta ang nasabing tow trucks sa CTMDO sa isang turn-over ceremony sa programa ng lingguhang pagtataas ng watawat noong ika-25 ng Hunyo sa Freedom Park ng lungsod.

Ang naturang sasakyan ay gagamitin sa pag-aalis ng mga sasakyang sa maling lugar, kabilang na ang mga nakahambalang na sasakyan sa kalye at maging mga sirang sasakyang nakaparada sa gilid ng mga daan na nagiging sanhi ng trapiko sa mga kalsada ng lungsod.

“Ang pagbili ng naturang tow trucks ay bilang tugon natin sa mga natatanggap na ulat mula sa mga residenteng naaabala dahil sa matinding trapiko na dulot ng mga maling pagpaparada ng sasakyan sa daan.

Sa pamamagitan ng operasyon ng dalawang bagong tow trucks, inaasahan nating mas mapapabilis ang pag-aalis ng mga sasakyang ilegal na nakaparada sa mga kalsada sa lungsod,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Samantala, maliban sa pagsasaayos ng trapiko, tungkulin din ng CTMDO na bigyan ng kaukulang impormasyon ang mga residente tungkol sa mga programa, batas, at polisiya ng  lungsod na may kinalaman sa transportasyon at trapiko alinsunod sa mga umiiral ba ordinansa ng lungsod.

Tungkulin din ng tanggapang ito na bigyan ng kaukulang aksyon ang mga lumalabag dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply