2 bakla, 1 bebot kalaboso sa bawal na gamot sa Bora

KALABOSO ang dalawang bading at isang babae dahil sa illegal drugs sa isinagawang mga buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng Provincial Intelligence Branch Operatives (PIBO) at ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag, Boracay.

Huli ang mga suspek na sina Jerold Toriaga, 22, isang bading, webmaster, taga Brgy. Regador, Ibajay;  JR Miral, 27, isa ring bading; at Catherine Sual, 35, pawang mga walang trabaho.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong sachet na hinihinalang shabu.

Nabatid na matagal nang minamatyagan ng awtoridad ang mga suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlo na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply