2 bangkay nabingwit malapit sa lumubog na bangka sa Palawan

DALAWANG bangkay ang natagpuan malapit sa pinaglubugan ng isang passenger-cargo vessel na binayo ng malalakas na alon sa Palawan noong nakaraang linggo, ayon sa ulat kaninang umaga ng Philippine Coast Guard.

Sinabi ni Coast Guard spokesman Lt. Cmdr. Armand Balilo na sa inisyal na ulat, ang bangkay ay isang lalaki at isang babae na kapwa naagnas na nang matagpuan.

Gayunman, hindi pa rin aniya matiyak kung ang mga bangkay ay mula sa mga pasahero na nawawala sa paglubog ng MV Josille II.

Lumubog ang Josille II sa karagatan ng Palawan matapos hampasin ng malalaking alon. Pito sa bangkay na pasahero at crewmembers ay kinumpirmang patay kaninang umaga (Lunes), ayon na rin sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council NDRRMC .

Sa kabilang dako, sinabi ng NDRRMC na tatlo pa ang nananatiling nawawala na kinabibilangan nina Jolito Buenafe, Mark Angelo Esmeria at isang nagngangalang Antonia.

Sinabi ng NDRRMC na may 66 pasahero ang nakasakay sa naturang vessel kabilang ang 34 at 11 crewmembers na nasa manipesto; at 18 pasahero at tatlong crew ang wala sa manipesto.

Sa nasabing bilang, may 56 na ang nailigtas.

Sinabi rin ng NDRRMC na itinitigil na ng villlage disaster risk reduction and management council sa Liminangcong sa Palawan ang search-and-rescue operations para sa tatlo.

Gayunman, ang BRP Romblon at ang rescue team ng El Nido sa Palawan ay patuloy ang pagkakasa ng search and rescue operations.

Samantala, sinabi ng NDRRMC na ikinasa na ang underwater photography para malaman kung may oil spill sanhi ng paglubog ng barko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply