2 bangkay natagpuan sa Maynila

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ang brutal na pagpatay sa isang lalaki at babae na natagpuan sa  Baseco-Port Area sa Maynila madaling araw ng Martes, Hunyo 5.

Ayon sa report ng dzBB, kasalukuyan pang tinitingnan ng Manila Police District homicide investigators ang motibo sa pamamaslang.

Ang bangkay nang dalawang biktima na natagpuan sa  Block 9 extension area sa Baseco-Port Area ay tinatayang edad 25 hanggang 30 at hindi rin residente ng naturang lugar.

Ang lalaki ay nakasuot ng berdeng t-shirt at denim habang ang babae naman ay nakasuot ng itim na t-shirt at ‘puruntong’ shorts.

Natagpuan sa naturang lugar ang mga basyo ng kalibre 45, 9-mm pistols at M-14 rifle.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng putok ng baril bago matagpuan ang  katawan ng mga biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply