Fishing ban sa WPS, tapos na sa Hulyo 15

MAGTATAPOS sa Hulyo 15 ang two-month fishing ban sa West Philippine Sea waters na nakapalibot sa pinagtatalunang Panatag (Scarborough) Shoal.

Gayunpaman, may opsyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na palawigin ang nasabing ban kung kinakailangan, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Sinabi pa ni Valte na ang assessment ng BFAR sa kondisyon ng pangisdaan sa paligid ng shoal ay tatalakayin ng ibang ahensiya ng pamahalaan.

“The fishing ban spans the 60 square nautical miles of Panatag Shoal and the one-mile distance from its margins—all totaling 90 square nautical miles,” ayon sa ulat.

Sinabi ni BFAR Director Asis Perez na “the issuance of the closed season is a precautionary approach for the protection and conservation of the marine resources in the area.”

Subalit hindi naman ito nag-presente ng iba pang detalye kaugnay sa hakbangin na napipintong i-implementa upang protektahan at pangalagaan ang marine resources ng shoal.

Ang malinaw lamang ay magsasagawa ang BFAR ng scientific study para makapag-generate ng kompletong assessment ng palaisdaan at marine resources sa palibot ng Panatag Shoal.

Simula pa noong Abril ay nagsimula na ang standoff sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinag-aagawang Panatag Shoal dahilan upang maglabas-pasok ang mga sea vessels ng dalawang bansa sa Panatag.

Ang masamang kondisyon ng panahon nitong kalagitnaan ng Hunyo ang itinurong dahilan ni Pangulong Benigno Aquino III kung bakit inalis ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at BFAR subalit nanatili naman ang barko ng Tsinoy batay na rin sa report ng  Department of Foreign Affairs at PCG.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply