2-buwang baby tinangay sa Paco, Maynila

TINANGAY ang isang dalawang-buwang sanggol na babae habang nasa kanyang duyan sa Paco, Maynila kahapon ng umaga.

Hinanap muna bago nagtungo ngayon sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section si Nerissa Pagar, tiyahin ng batang si Davrin Anne Ahamad, 2 buwan at taga-Int.7 Pedro Gil, Paco, Maynila, para ireklamo ang pagkawala ng bata sa loob ng kanilang bahay kahapon ng umaga.

Ayon kay Ahamad, iniwan niya ang sanggol sa duyan upang bumili ng isasaing na bigas ngunit pagbalik sa bahay ay nawalang parang bula ang kanyang alaga.

Nabatid kay Ahamad na ang sanggol ay anak sa pagkadalaga ng ina nito na hindi na ipinabanggit ang pangalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply