2 cattle buyer niratrat sa highway

CAUAYAN CITY, Isabela – Inulan ng bala ang dalawang namimili ng kalabaw mula sa hindi pa nakikilalang mga salarin na nakasuot ng bonnet sa Sitio Diangading, Binatug, bayan ng San Mariano, dakong alas-11:30 ng umaga.

Sa ulat na ipinarating ni P/Chief Insp. Godofredo Wasin, hepe ng PNP San Mariano kay P/Senior Supt. Franklin Moises Mabanag, Isabela Police Provincial Director, sakay ng motorsiklo ang mga biktimang sina Rogelio Cabututan, miyembro ng Civilian Active Auxiliary at Ramiro Jose, kapwa residente ng San Jose, San Mariano nang sila ay pagbabarilin sa Sitio Diangading, Binatug, San Mariano.

Nakatakas ang riding in tandem na mga suspek na armado ng kalibre .45 matapos ang pamamaril.

Unang isinugod sa San Mariano Community and Medicare Hospital ang mga biktima bago inilipat sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital sa Ilagan, Isabela.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa tangkang pamamaslang sa mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply