2 construction worker nahulog sa itinatayong condo

SUGATAN ang dalawang construction worker makaraang mahulog mula sa second floor ng itinatayong condominium sa Tandang Sora, Quezon City.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang isang 36-anyos na construction worker na hindi nakuha ang pangalan, habang tumanggi namang magpadala sa pagamutan si Greggy Sernal na nagtamo ng minor injuries.

Batay sa inisyal, bumigay ang scaffolding ng ginagawang condo na naging dahilan nang pagkakahulog ng dalawang biktima.

Iniimbestigahan na ang pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply