2 estudyante nilango bago inabuso ni sir

NAHAHARAP sa kasong child molestation ang isang public school supervisor sa bayan ng Cadiz na isa ring  guro sa Bacolod City matapos ipagharap ng sumbong ng kanyang dalawang mag- aaral na umano’y inabuso at minolestiya nito kamakailan, base sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, naaresto sa isinagawang entrapment operation ang gurong si Joshua Santillano dahil sa umano’y pangmomolestiya nito sa dalawang batang lalaking mag-aaral sa Bacolod. Inakusahan ang suspek na umano’y pinuwersa rin ang mga biktima na makipagtalik sa dalawang upahang babae habang pinapanood niya ang mga ito.

Bukod dito, inutusan din umano ang mga binatilyong biktima na gumamit ng pinagbabawal na droga bago sila hinalay at inabuso.

Pinagbantaan din ang mga biktima na sisiraan sa kanilang mga magulang kung hindi susunod sa kanyang kagustuhan subalit nagsumbong din ang mga ito sa mga awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply