2 Moro fronts nagsagupaan, daang sibilyan nagsilikas

NAGSILIKAS ang daan-daang mga sibilyan makaraang magkasagupa ang dalawang Moro fronts sa North Cotabato.

Base sa pahayag ni 7th Infantry Battalion Philippine Army commander Col. Benjamin Hao, lumusob ang grupo ni Kumander DTR ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kampo ni Kumander Teo Menanimbong ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Brgy Tonganon, Carmen, North Cotabato.

Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa batid ang bilang ng namatay at sugatan sa magkabilang grupo.

Awayan sa lupa ang itinuturong ugat ng labanan ng nasabing mga grupo.

Dahil dito, agarang na kumilos si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza upang matulungan ang mga evacuees.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply