2 Japanese nabiktima ng riding in tandem sa Maynila

LULUGO-LUGO ang dalawang Japanese national na dumulog sa Manila headquarters matapos na mahablutan ng bag na may lamang cash habang naglalakad sa kahabaan ng MH del Pilar St., Ermita, Maynila kagabi,June 16.

Nagreklamo sa MPD-General Assignment Section ang mga biktima na nakilalang sina Kitazawa Kozue, 30 at Kimura Aoi, 27, kapwa Japanese national, at nanunuluyan sa Rm. 2929 Hyatt Hotel na matatagpuan sa may Pedro Gil, Ermita, Maynila.

Sa report ni PO3 Gilbert Isole ng MPD-GAS, dakong alas 6:55 ng gabi nang mangyari ang insidente habang naglalakad sa lugar ang mga biktima.

Ayon sa mga biktima, dinikitan sila ng isang motorsiklo at mabilis na inagaw ang dala nilang bag ng isa sa suspek na nakasuot ng kulay itim na helmet sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Kabilang sa mga naagaw sa mga biktima ang kanilang pasaporte, cellphone,digi cam, wallet, cash na P2,500 at Yen na 20,000.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply