2 JBC member nag-inhibit sa pagpili ng susunod na CJ

NAG-INHIBIT ang dalawang miyembro ng Judicial and Bar Council sa proseso ng pagpili sa susunod na Punong Mahistrado.

Kinumpirma ni JBC ex-officio member Congressman Niel Tupas Jr. na nag-inhibit sina Acting Chief Justice Antonio Carpio at Justice Secretary Leila de Lima.

Ito umano’y bunsod ng posibilidad na parehong ma-nominate ang dalawa sa posisyon.

Dahil dito, si Retired Supreme Court Justice Regino Hermosisima ang tatayong presiding officer ng JBC para sa nominasyon ng pagka-Punong Mahistrado.

Si Hermosisima ang pinakamatagal nang miyembro ng JBC.

Samantala, napagkasunduan sa pulong na kinakailangan nang lumagda sa isang waiver at magsumite ng statement of assets liabilities and net worth ang sinomang aplikante para sa posisyon ng pagka-Punong Mahistrado ng SC.

Sinabi ni Tupas na layunin nitong matiyak na lahat ng mga aplikante sa posisyon ay may integridad at tunay na karapat-dapat sa pwesto.

Kaugnay nito, tatanggap na ng nominasyon para sa CJ position ang JBC simula Hunyo 6  at tatagal ito hanggang Hunyo 18.

Kabilang sa mga requirement para sa posisyon ang 15 taong pagpapraktis ng abogasya, 40-anyos at natural-born citizen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply