2 judge sa Pacquiao-Bradley fight binuweltahan ni Arum

“VOODOO judging.” Ito ang itinawag ni Top Rank CEO Bob Arum sa paliwanag ng dalawang boxing judge na pumabor kay Timothy Bradley sa halip na kay Manny Pacquiao.

Bago ito, ayon kina judge Duane Ford at CJ Ross, binigyan ng “boxing lesson” ng tinaguriang “Desert Storm” ang Pambasang Kamao sa kanilang bakbakan sa Las Vegas noong Linggo (oras sa Pinas).

Ibinasura ng sikat na promoter ang mga pahayag na ito ng dalawang judge at binanatan ang dalawa sa pagsasabing tila sila lamang ang nakakakita sa mga suntok ng undefeated na boksingero.

Iginiit ni Arum na si Pacman ang nagpakawala ng malilinaw na suntok.

Naniniwala rin ang promoter na si Pacman ang nagdomina sa 11 round na kontrobersyal na laban.

Si Arum ang isa sa mga nagsusulong na imbestigahan ang nasabing laban.

Noong Linggo, pagkatapos ng Pacquiao-Bradley fight, umani ng kaliwa’t kanang batikos ang resulta ng nasabing laban kung saan naagaw ni Bradley ang WBO welterweight belt ng People’s Champ.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply