2 kelot arestado sa pangingikil

SWAK sa kulungan ang dalawang lalaki dahil sa panghihingi umano ng pera sa mga tanggapan ng Quezon City Hall kaninang tanghali.

Kinilala ni chief inspector Richie Claravall hepe ng Quezon City Police District City Hall ang mga dinakip na suspek na sina Mike Christian Castillo, 32, binata, walang trabaho ng 32 Tugatog, Malabon City at Filipe Asidera, 20, binata ng Block 17, Lot 16, Phase 2, Area Langaray, Malabon City.

Ayon sa ulat nadakip ang dalawa dakong ala-1:00 ng hapon kahapon sa tanggapan ni Councilor Sep Juico (1st District) sa ikalawang palapag ng Quezon City Hall.

Sinabi ni Claravall na isang Christopher Jimenez, SK chairman ng NS Amoranto II Sta. Catalina St., Laloma, QC ang nagharap ng reklamo sa kanilang tanggapan matapos gamitin ng mga suspek ang pangalan ng una sa kanilang solicitation letter at panghihingi sa mga tanggapan ng QC Hall.

Ayon sa solicitation letter ng mga suspek humihingi sila ng suporta para sa kanilang gaganapin activities sa kanilang barangay subalit nang beripikahin ang naturang sulat walang ganong aktibidad sa naturang barangay.

Nabatid pa sa ulat na peke din umano ang pirma ng mga opisyal ng barangay na ginamit ng mga suspek sa kanilang solicitation letter dahilan para ipagharap ng reklamo ang huli.

Nahaharap sa kasong paglabag sa estafa at falsification of public documents ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply