2 kompanyang nahulihan ng magnetite sand pinagpapaliwanag

DIDINIGIN ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa susunod na linggo ang kaso ng nakumpiskang 50,000 metrikong tonelada (MT) ng magnetite sand ng pinagsamang operatiba ng DENR at Philippine National Police (PNP) sa isang mining area sa Paracale, Camarines Norte.

Sinabi ni MGB Director Leo Jasareno, na pagpapaliwanagin ng ahensya ang dalawang kompanyang may-ari ng mga nasabat na magnetite sand kung bakit hindi dapat na kumpiskahin ang naturang iron ores.

“Under the proceeding, the owners of the seized iron ores, Uni-Dragon Mining Development Corporation (Uni-Dragon) and Philippine Bao Tong, will be accorded with due process by giving them opportunity to present evidences and prove why the iron ores should not be confiscated in favor of the government,” paliwanag ni Jasareno.

Noong Hunyo 15, 2012, isang pinagsamang grupo na binubuo ng mga tauhan ng DENR at PNP ang nakakumpiska ng tinatayang 50,000 MT ng magnetite sands o iron ores na nakaimbak sa private wharf ng Uni-Dragon at Philippine Bao Tong sa Paracale, Camarines Norte matapos na magsumbong ang ilang lokal na opisyal ng pamahalaan sa lugar.

Sa ulat na ipinasa ni Jasareno kay DENR Secretary Ramon J. P. Paje, sinabi ng direktor na nakatakda sanang dalhin sa Tsina ang nasabing mga iron ore ng apat na kawani mula sa MGB-Region 5, na sinamahan ng walong pulis mula sa Mobile Group ng PNP-Region 5, ang humarang sa kanila.

Isinalaysay pa ni Jasareno na nakaabang ang cargo ship na M/V Peace Angel may ilang kilometro ang distansiya mula sa dalampasigan ng mining area na pinaniniwalaang pagkakargahan sana ng nakumpiskang magnetite sand.

Ani Jasareno, ang Uni-Dragon at ang business partner nitong Philippine Bao Tong ay hindi sumunod sa Cease-and-Desist Order (CDO) na inisyu sa kanila ng MGB noong nakaraang taon at nagpatuloy pa rin sa kanilang operasyon sa pagmimina at pag-iimbak ng mga mineral kahit na may nakumpiska nang 35,000 MT ng magnetite sand mula sa kanilang kompanya noong Setyembre 11, 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply