2 Koreano inanod sa ilog

ZAMBALES – Dalawang Korean nationals ang iniulat ng pulisya na nawawala makaraang tangayin ng malakas na agos sa Bucao river sa bayan ng Botolan kagabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang dalawang nawawalang dayuhan na sina Pak Hee Su, 63 at Kim Su, 44, kapwa empleyado ng Bluemax Realty and Rehabilitation Corporation na nag-ooperate ng black sand quarrying sa Bucao river na sakop ng Botolan, Zambales.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na bandang alas-8:00 ng gabi nang pansamantalang itigil ang quarrying operations ng kompanya dahilan sa masungit na panahon.

Naging dahilan umano ito upang ang mga biktima kasama ang isa pang Koreano na kinilalang si Hyun Suk Yu, 57, at isang helper ng kompanya na si Alex Dayap ay sumakay sa bangka upang magtungo sa pampang ng ilog.

Sa kalagitnaan umano ng ilog ay biglang tumaob ang bangka subalit nagawang makalangoy sa pampang nina Dayap at Hyun habang sina Pak at Kim ay tinangay ng rumaragasang tubig.

Isang malawakang search and rescue operations ngayon ang isinasagawa ng Botolan PNP sa pangunguna ni P/Senior Inspector Joan Sibayan kasama ang mga empleyado ng naturang kompanya upang mahanap ang mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply