2 Koreano kinasuhan ng rape ng 2 Haponesa

DINAMPOT ng pulisya nitong kahapon ng hapon (Hunyo 25) ang dalawang Korean national matapos ireklamo ng dalawang Haponesa ng paggagahasa sa Cebu City.

Nakaditine ngayon sa Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) sa Cebu ang mga suspect na sina Carl Park, 21-anyos, pansamantalang tumutuloy sa Ibabao Agus, Lapu-Lapu City at si Jong Duk Lee, 34-anyos ng Phase 1 Block 1 Lot 104 Collinwood, Lapu-Lapu City, kapwa nahaharap sa kasong rape.

Sa salaysay ng mga ayaw magpabanggit ng pangalan na mga biktima na pawang 20-anyos, at tubong Tokyo, Japan, naganap ang panghahalay sa kanila nitong nakaraang Sabado ng madaling araw sa isang motel sa Cebu City.

Ayon kay CIDG-Central Visayas chief Senior Supt, Jose Pante, bago ito ay nakipagkaibigan sa mga bitima ang mga suspek na nagayayang kumain at uminom ng tequila sa isang shopping mall sa lungsod.

Pero matapos makaubos ng dalawang baso ng tequila at ilang bote ng beer, nahilo ang mga biktima at ang sumunod na nalaman nila ay hinahalay na sila ng mga suspek sa isang motel. Hindi na sila nakapanglaban pa dahil sa kahinaan ng kanilang katawan sanhi ng epekto ng gamot na inihalo ng mga suspek sa kanilang inumin.

Nang matauhan, agad dumulog ang mga biktima sa pulisya kaya ikinasa ang pagtugis sa mga suspek at natiyempuhan ito sa kanilang tinutuluyang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply