2 LPA binabantayan ng PAGASA

MINO-MONITOR ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang low pressure area na nasa silangang bahagi ng bansa.

Batay sa PAGASA, ang unang LPA ay huling namataan sa layong 380 kilometro sa silangan ng Katimugang Luzon habang ang isa naman ay nasa 930 kilometro sa silangan ng Hilagang Mindanao.

Sa pagtaya ng PAGASA, ang sama ng panahon na nasa silangan ng Hilagang Mindanao ang maaaring maging bagyo.

Makararanas ng madalas na maulap na kalanagitan at kalat-kalat na pag-ulan ang katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila ay magkakaroon ng pulo-pulong pag-ulan.

Kung magiging bagyo ang isa sa dalawang LPA ay tatawagin itong Dindo na siyang ikaapat na bagyo ngayong taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply