2 magsasaka nakuryente, patay

PATAY ang dalawang magsasaka makaraang daluyan ng libo-libong boltahe ng kuryente ang kanilang katawan sa isang palayan sa lalawigan ng Aklan, sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa ulat, kapawang idineklarang dead on the spot ang sina Ian Sorca, 26 at Aron Nervar, 18, parehong residente ng Barangay Agmailig, Libacao, Aklan.

Lumilitaw na habang nag-aararo ang mga biktima sa palayan ay nasagi ng isa sa mga ito ang talop na linya ng kuryente dahilan para mangisay ito.

Sinasabing tumulong lamang ang isa subalit nadamay na rin dahil sa malakas na boltahe ng kuryente.

Ayon kay SPO1 Subiaga ng Libacao PNP, habang nagbubungkal ng lupa ang dalawa gamit ang traktora, merong drop-wire na nakalaylay sa palayan at sa halip na tukuran nila ito ay kanilang hinawakan na naging sanhi ng kanilang pagkakuryente.

Dinala na ang bangkay ng dalawa sa funeral homes sa naturang barangay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply