2 mangingisda nasagip ng Taiwanese vessel

DALAWANG Pinoy na magnignisda ang nasagip ng isang Taiwanese vessel sa karagatan sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG Chief Petty Officer Aquillo Gonzales, nasagip ang dalawang mangingisda na sina BJ Manalo at Jephan Candado noong Hunyo 26 kung saan isang linggo silang  nagpalutang-lutang sa karagatan matapos na hampasin ng  malalaking alon ang kanilang bangkang pangisda at tumaob sa karagatan.

Dahil sa tagal na nagpalutang-lutang ang dalawa habang nakahawak sa tumaob nilang bangka,nagsilbing pagkain naman nila ang kanilang damit para lamang makasurvive.

Ayon sa coast guard, inaasahang darating ngayong araw sa Dallao Fishport sa Toril City ang mga biktima at didiretsong uuwi bukas sa General Santos City.

Nanawagan naman ang PCG sa mga nawawalan ng mahal sa buhay na makipag-ugnayan sa ahensya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply