2 menor de edad huli sa pagtutulak ng shabu

MULING naalarma  ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang makahuli sila ng dalawang menor de edad kasama ng limang nakatatandang mga drug pushers sa magkakasunod na operasyon sa Isabela at Zamboanga,.

Sa isinumiteng ulat ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., kinilala ang mga nakatatandang nahuli na sin Louie Fermin alias “Poging”, 33 anyos ; Camlon Mapait, 48 anyos ; Darwisa Usman alias “Darwisa”, 47 anyos ; Al-Ali Akmad alias “Ali”, 32 anyos ; Sherima Ullang alias “Chicky”, 30 anyos at dalawang hindi pinangalanang  menor kung saan isang 16 at 17 anyos ang mga edad.

Ayon sa ulat, magkahiwalay na nagsagawa ng operasyon ang PDEA Regional Office 2 (PDEA RO 2) sa ilalim ni Director Juvenal B. Azurin sa Barangay Mabini, Purok 4, Santiago City, Isabela at PDEA RO9 sa ilalim  naman ni Director Adzhar Albani sa tatlong magkakasunod na entrapment operation sa Zamboanga.

Ginagamit umanong runner ng mga nakatatandang drug pushers ang mga nasabing kabataan kung saan nahulihan ang mga ito ng shabu at mga paraphernalia sa operasyon .

Dahil dito, ang mga nahuling suspek ay nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Section 5, ng Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, karagdagan ang paglabag sa Sections 11 at 12 at Section 26 habang ang mga menor de edad naman ay pansamantalang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply