2 M bakawan itinanim sa Quezon

REAL, QUEZON – Sa kauna-unahang pagkakataon, sinimulan na ng lalawigan ang pagtatanim ng dalawang milyong bakawan sa may 167 barangay.

Tinawag ang proyektong ito na Quezon’s 2 in 1 o dalawang milyong bakawan sa isang araw.

Sa Real, umabot sa 1,000 Quezonian ang lumahok sa pagtatanim sa pangunguna nina Minority Leader Danilo Suarez at anak na si Gov. Jayjay Suarez.

It ay sabay-sabay na ginawa sa mga bayan ng Calauag, Infanta, Bondoc Peninsula at Gen. Nakar.

Ayon kay Gov. Suarez, ginawa ang pagtatanim upang maprotektahan ang mga baybaying lugar sa lalawigan na pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply