2 miyembro ng Acetylene Gang tiklo

NADAKIP ng mga awtoridad ang dalawang miyembro ng Acetylene Gang na nagtangkang magnakaw sa Maria Gracia Pawnshop sa Legaspi St., sa Roxas City.

Nabatid na bigong makuha nang apat na miyembro ng naturang grupo ang may P3 milyon  laman ng vault matapos mabulgar ang kanilang modus.

Nagrenta umano ng isang apartment ang mga ito na nasa 50 metro ang layo mula sa pawnshop kung saan naghukay ang mga ito sa ilalim ng lupa patungo naman sa naturang establisimiyento.

Ngunit nabisto ang kanilang modus operandi matapos tumunog ang alarm ng pawnshop na konektado sa bahay ng manager nito.

Nahuli ng Roxas City Police ang dalawa sa mga suspek na kinilalang sina Jean Kyayat, 40, at Ben Wangdo, 36, kapwa mga residente ng Mountain Province.

Mabilis namang nakatakas ang dalawa pang kasama ng mga ito na pinaghahanap ngayon ng mga pulis.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply