2 motor nagsalpukan: 1 patay, 2 sugatan

PATAY ang isa habang dalawa ang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Aparri, Cagayan.

Nasawi si Ruben Tabisaura, 20, ng Barangay Tallungan, Aparri makaraang mabunggo ang motorsiklong sinasakyan nito ng isa pang motorsiklo na minamaneho ng nasugatan rin na si Jhay Alejo, 25, ng Caranan, Ballesteros.

Nabatid na biglang nag-u-turn ang motorsiklo na minamaneho ni Tabisaura kaya nabunggo nito si Alejo.

Samantala, sugatan ang back rider ni Tabisaura na si Maricel Siriban.

Dead on arrival sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Brgy. Carig, Tuguegarao ang biktima habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang dalawa pang sugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply